The Sublime

The Official Online Newsletter of the A. Mabini Chapter, Order of DeMolay, Republic of the Philippines

Let your light so shine before men, that they may see your good works and glorify your Father who is in heaven.

Saturday, January 29, 2005

TABLOID

Mga brods, nastroke ata tayo ah?Post lang tayo ng post..
For the meantime..ako muna..
Before i begin, NEWS muna!NEWS NEWS NEWS!Balitang sariwa pa..
Mga balitang sariwa na nagpapabulok sa ating bansa at sa atin lalo! :O
Whaddafhak! Nagsuggest na naman na magtaas ng taxes..ok whats new?
Lahat na lang tumataas, si Gloria na lang ang hindi..
Nagaaway na parang bata ang dalawang may katungkulan sa gobyerno
dahil diumano sa logging business ng isang senador..wala na saw silang ganoong
hanapbuhay sabi ng senador..
FOREIGN NEWS naman tayo!Marine copter crashes, 30 marines and 1 navyman killed..
Yeah boy, thats the price of "spreading freedom" throughout the world..
1 day left to go before the landmark elections in Iraq while insurgents are on the offensive,
killing and maiming tens of people..

"Lost but not forgotten.."
1LT Todd Bryant,23 yo., a Senior DeMolay, killed by IED in Fallujah..
PFC Jason M. Meyer, 23 yo. was killed by enemy fire, Senior DeMolay and Chevalier, member of Howell Lodge #38 F&AM, and member of Flint Chapter #138 Order of the Eastern Star..
They are just one of our dear brethren who were killed in the war in Iraq..
We salute you brothers for your unwavering spirit, your DeMolay spirit..

"Never quit and.."
"Quit ka na..pampadagdag ka lang sa mga malalakas kumain dito eh.."
A not so usual(?) sarcastic statement babbled by a sublime sir.. :D
Certain circumstances are made for us to try our fighting spirit, to try to make us quit..
Our petitioning period is like this,
the blacksmith hammers the iron then puts it back in the fiery coal, heats it until it glows red-orange, hammers it further 'til he gets rid of the imperfect shape and fashions a sword out of it..

We were once iron, but now we are swords..we are honed to possess the character and skill of an exemplary human being..We didnt matter how much our sublime sirs clobbered us by giving us hard times, what really mattered is how we would give our sublime sirs a really hard time by staying right on track!Right?It really wont matter now what and how you will flog me, because we are used to clobbering and we will never quit no matter what!
We are proud because we are DeMolays, and we never quit at what we do..
What we do, we do best!
Now thats a DeMolay spirit!

"..never squeal"
Traitors-in-development a.k.a. squealers, we should watch out for them..
Kaya mga petitioners pukpukin na ng pukpukin para ma-instill sa kanila ang virtue that we are upholding..

"..I will revere the memory of Jacques DeMolay, who gave up his life rather than betray his brethren and the trust they reposed in him.."

Sunday, January 09, 2005

Minsan sa Isipan ng Isang Petitioner

...

One, Sublime Sir, I love DeMolay..

Two, Sublime Sir, I love DeMolay..


Nagalit na naman si Sublime Sir, si batchmate kasi hindi na naman nakapag-aral ng lecture na tinuro sa amin nung last week. Ewan ko ba dito kay batchmate, pareho naman kaming estudyante pero parang di sya makapagbigay ng oras upang makapag-memorize ng lecture namin. Eh, madali lang nman yung tinatanong ni Sublime Sir. Minsan tuloy naiisip ko na wala syang pagpapahalaga sa sa batch namin kaya sya ‘di nagsusumikap mag-aral. Pero alam ko sa loob-loob ko na hindi magandang nag-iisip sa kanya ng ganon dahil hindi ko naman sya nakakasama sa araw-araw kaya wala rin akong ideya kung anu-ano ang ginagawa nya sa pagitan ng mga araw bago kami magkita tuwing Linggo.

Kunsabagay, nakabubuti rin naman yung ganito dahil nakakapag-exercise kami kahit papano. Minsan kasi sa dami ng mga nangyayari sa buhay natin di mo na alintana ang bigyang-pansin ang mga simple pero mahahalagang bagay tulad ng paghehersisyo. Masyado ka ng nalulunod sa mga sitwasyong kinakaharap, mga suliranin at iba’t-ibang palabok ng buhay. Lulutasin mo ang isang problema pero bago mo pa ito ganap na magawa heto na naman ang isa pang problema at problema pa ulit. Hanggang sa magkapatung-patong na at hindi ka na magdatuto sa kahahanap ng solusyon o kung paano mo ito lulusutan. Ang resulta nalolosyang ka na sa pagbuno ng mga ito. Pag di mo naman na kaya at nagsusumigaw na ang utak mo na wala ka ng magagawa pa, heto ka na ngayon at maghahanap na ng mapagbabalingan ng sisi sa lahat ng mga nangyayari sa buhay mo. Magsisimula ka ng umiwas sa pagtuklas ng mga solusyon at magmukmok na lamang sa isang tabi. Sasagi na rin sa isip mo ang tumakas sa realidad at gumawa ng sariling mundo kung saan wala kang problema, payapa at magagawa mo ang lahat ng trip mo.

Mabuti na lamang at itinuturo sa DeMolay ang matutong makibaka at maging matatag sa lahat ng hamon ng buhay. Ang tumayo sa sariling paa at harapin ng may tibay ng isip ang mga problemang kinakaharap. Hindi iyong tipo na palagi ka na lamang umaasa sa lakas ng iba hanggang sa hindi mo na matutunan kung pano ang mag-isa at sumabay sa agos ng buhay. Ang maging parte ng solusyon sa halip na maging dahilan ng mga problemang unti-unting tumutupok sa lipunan. Mapabilang sa mga puwersang lumilikha ng mga progresibong pagbabago at kaunlaran. Ang mapahanay sa mga dakilang tao na nakapaghandog ng di-matatawarang kontribusyon sa ikagaganda at ikadadali ng pamumuhay.

Alam ko marami pa akong kakaining bigas upang maisakatuparan ang mga bagay na ito. Marami pang dapat alamin at maranasan upang makarating sa ganung antas. Naniniwala akong dito sa kapatiran ng DeMolay ko makukuha ang kinakailangang kong pundasyon upang makapagsimula. Darating din ang oras ko.

Tagaktak na ang pawis ko at marumi na rin ang kamiseta ko dahil sa manaka-nakang pagsayad nito sa semento. Pero ayos lang dahil madali ko namang mapupunasan ang mga pawis at maipapagpag ang dumi ng may tagong ngiti dahil sa ginhawang naranasan. Napalakas ko pa ang mga kalamnan at isip ko.

Balang araw ang mga lakas na ito ang tutulong sa akin upang tumayo pagkatapos madapa, pagpagin ang mga problemang kumapit sa akin at magpatuloy ng may sigla sa pagharap sa mga hamon pa ng buhay.

Sa ngayon siguro tatapusin ko muna itong hamon na bigay ni Sublime Sir at tulungan na lamang si batchmate sa mga lectures namin. Kunsabagay nasa amin pa ang biyaya ng panahon upang makapaghanda.

Three, Sublime Sir, I love DeMolay..

Four, Sublime Sir, I love DeMolay..

Wednesday, January 05, 2005

Kapatiran Sa Dalawang Ilog

By Bro. Ramil Huele
Published in the Souvenir Program of the
7th National Senior DeMolay Congress at PDYC · April 11, 2003



Ilog ang sumisimbolo ng isang dalisay at tapat na hangarin. Ito rin ang sumasagisag ng makapangyarihang puwersa ng kalikasan sapagkat nadudurog nito ang anumang sumasalungat sa agos nito.

Maituturing na isang matandang kasabihan ang pamamangka sa dalawang ilog Isang kasabihang nagpasalin-salin na sa bibig ng ilan na ring henerasyon. Isang diwang nagpapahiwatig ng tahasang paglabag sa natural na tuntunin ng pisikal na batas. Batas na naglalayon ng iisang presensya sa iisang lugar at panahon.

Kaakibat na sa panliligaw o di kaya'y sa pag-ibig ang tema ng pamamangka sa dalawang ilog. Ang pagsuyo ng dalawang puso o ang pagdidilig ng dalawang hardin sa sabay na pagkakataon. Masasabi mang tuwirang naisasagawa ang ganitong uri ng pamamalakaya ang hatid naman nito sa huli ay kaguluhang walang pangalawa. Kaguluhang bunga ng kwestyonableng dedikasyong inuukol sa hindi iisang pag-ibig.

Ang pagpasok sa isang kapatiran ay tulad ng pagpapalukob sa pag-ibig. Sa tamis, saya at hapding mararanasan ang dalawa ay hindi naglalayo. Ngunit ano nga ba ang kapatiran? Ang pag-ibig? Sa paanong paraan ang pag-ibig at kapatiran ay nagiging magkatulad sa aspektong nasasakupan?
Ang kapatiran sa tuwirang pagpapakahulugan ay isang samahan ng mga indibidwal na pinagbubuklod ng isang paniniwala o interes. Kung saan ang proseso ng pagiging miyembro ay nakapaloob sa tuntuning itinakda ng bumubuo nito. Maaring ang grupo ay para lamang doon sa may mga piling katangian o maaari din naming ito'y makamit sa pamamagitan ng pagmamana nito sa mga naunang miyembro ng pamilya. Sa kabila ng lahat ng katangian na maaring magbigay-daan upang maging kasapi ng isang kapatiran, iisa ang mamumutawing katotohanan, ang pagpasa sa mga pagsubok na bigay ng samahan ay ang malinaw na susi upang mapabilang rito.

Ang kapatiran sa tunay nitong kahulugan ay tumatagos sa harang na likha ng pagkakaiba sa relihiyon, kulay ng balat, tradisyon at nakagisnang paniniwala. Lumalampas ito sa hangganan ng isang simpleng pagkakaibigan. Pinagsasama nito ang mga indibidwal na pinagbukod ng pagkakaibang dikta ng lipunang ginagalawan. Mistula itong isang bigkis na nag-uugnay sa bawat tao. Pangunahing layunin nito ang mapagsilbihan ang takdang interes at maibahagi ito sa iba para sa malawakang pagpapatupad ng pinaniniwalaang misyon. Ipinagtatanggol nito ang kanilang simulain maging ang mga miyembrong nagpapatupad nito.

Bawat kapatiran ay may kanya-kanyang hain ng katotohanan. Ang bawat isa ay may sariling pagtingin sa pangangailangan ng isang ideyal na lipunan. Kadalasang ang kanilang obhektibo ang hain nilang kasagutan sa mga problemang kinakaharap ng lipunan. Na kung tuwirang maisasagawa sa puro nitong layunin ay malaki ang maitutulong sa paglutas ng pangmasang suliranin.
Isang mabuting halimbawa ang kapatiran ng DeMolay kung saan ang pagpapanday sa mga kabataan na maging isang ulirang anak sa pamilya, paaralan at pamayanan kasama na ang paghubog ng isang mahusay na pinuno ang pinaniniwalaang matibay na pundasyon sa paghahangad ng isang progresibong bansa. Pinaninindigan
ng DeMolay na ang pagtuturo sa mga kabataan na maging pinuno ng kinabukasan ang siyang susi ng kanilang matagumpay na buhay. Masasabing hindi ito naiiba sa ipinahayag ng ating pambansang bayaning si Gat. Jose Rizal.

Upang magampanan ng isang kapatiran ang tungkulin nito sa lipunan, mangangailangan ito ng isang matibay na istruktura at makinaryang magpapalaganap ng kanyang interes. Kung susuriin, ito ay pinakikilos ng tatlong elemento - ang prinsipyo, sistema at tao. Ang prinsipyo ang siyang pinakapuso ng samahan, ito ang nagtatakda ng sistema at ang sistema naman ang siyang nagdidikta sa kilos ng tao. Kung mawawala ang kahit isa sa mga elementong nabanggit hindi maipaglilihi at maipanganganak ang isang kapatiran.

Sa usapin ng istruktura at makinarya, tao lamang ang maliwanag na bumubuo nito. Sa pagkamit ng estado ng pagkakaroon ng isang ideyal na istruktura't makinarya, isang purong dedikasyon, paniniwala at paninindigan ang kakailanganing manggaling sa bawat miyembro ng samahan. Dahil tao ang makinarya, ang mga naibigay na katangian ang siyang magsisilbing gatong sa pagkilos nito para sa grupo.

Ang pagsapi sa isang kapatiran ay kahalintulad ng sa pag-ibig. Pareho itong nangangailangan ng ibayong tiyaga, tibay at pagpapamalas ng walang katulad na dedikasyon upang makuha ang inaasam na pag-ayon. Tulad ng sa pag-ibig, ang kapatiran ay naghahangad ng solong pagmamahal, ng lubusang pag-uukol ng simpatiya at pananalig. Hindi ito isang pulubi na lumilimos ng nalabing oras ng bawat kasapi. Hindi rin ito naghihintay lamang ng pagkakataon upang bigyang pansin at kalingain. Ang pagrnamahal na nais nito ay yaong may paninindigan sa sinumpaang obligasyon, maaasahan sa mga binitawang salita at may katapatan sa kapwa kapanalig. Isang pag-ibig na nakapaloob sa konteksto ng mga sinumpaang gawain. Marahil mahahatulan na mapaghanap ang ganitong uri ng pag-ibig subalit ito ay para lamang doon sa mga may kakayahang yumakap sa ganitong uri ng paghamon. Sa simula't-simula pa ay ito ang mga bagay na dapat tanggapin sa pagpasok sa isang kapariran. Kaya't masasabing wala ng urungan pa kung ang isa'y nakapaloob na dito. Walang mabuting gawin kung hindi yakapin, panindigan at magpakalulong sa alok nitong glorya. Hindi dapat ipagkamali na ang pag-ibig na binabanggit dito ay yaong hindi para sa pangkalahatang tema ng pagmamahal. Tinutukoy dito ang pag-ibig na ipinapadama sa isang nililiyag, sa isang pinipintuho ng lalaki o babae bilang katipan. Sapagkat ang pag-aalay ng sarili sa isang katipan ay tulad ng pag-aalay sa isang kapatiran. Kung saan isang dalisay, mapagbata ng hirap at walang katuwang na pagmamahal ang ipinapamalas.

Ang kaguluhang dulot ng dalawang pag-ibig ay tulad ng pagpalukob sa dalawa ring kapatiran. Kung saan ang pagiging tapat sa isa ay mangangahulugan ng kataksilan sa pangalawa. Ang pagpapaamo sa una ay pagpapagalit sa huli. Dahil di iisa ang sinusuyo, hindi maiiwasan ang pagkakataon na magkulang sa pagbibigay ng atensyon sa bawat panig. Mistulang nasa pagitan ng dalawang batong nag-uumpugan ang ganitong sitwasyon.
Kaya't masasabing ang pamamangka sa dalawang ilog ay imposibleng makalikha ng balanseng kapaligiran sa tema ng pag-ibig at kapatiran. Darating ang sandali sa hingi ng mga pagkakataon na ang taong nagmahal ay mag-ukol ng higit na oras at pagmamahal sa isa sa kanyang pinagsumpaan ng pag-ibig. Sapagkat hindi man tahasang aminin, ang bawat taong nakatali sa sitwasyon ng pagsisilbi sa di iisang pag-ibig ay may higit ng pinapaboran sa likod ng kanyang isip. Ang bawat panig ay tiyak namang may nakahihigit ng aspekto sa isa't-isa at hindi rin manhid ang kanilang mga pakiramdam o paghahatol na di ito mapagtanto.

Maaaring masabi na ang bawat kapatiran ay may isang landas na tinatahak. Isang landas na patungo sa maayos at mapayapang lipunan ngunit ang bawat isa ay may siguradong kanya-kanyang pamamaraan o sistema upang makamit ang inaasam na estado. Ang mga ito ay may kinagisnang tradisyon na nagsisilbing pagkakakilanlan ng kanilang samahan. Sa ganitong senaryo ng depinidong pagkakakilanlan ng bawat kapatiran, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng pagkakaiba o hindi pagkakasunduan sa anong sistema mas nababagay na palaganapin ang kani-kanilang interes.

Dapat isaisip ng bawat bangkero ang kumplikasyon ng pagpasok sa ganitong uri ng sitwasyon. Na ang kapatiran ay hindi isang laro o tulad ng pagsubo ng mainit na kanin na kapag napaso ay maari mo na lamang iluwa. Ito ay seryosong pagganap sa responsibilidad ng samahan na nangangailangan ng tuwirang pag-aalay ng dedikasyon at pagsasakripisyo. Hindi maaring ipansagot ng isa pang kapariran ang kakulangan ng isa ring kapatiran. Ang higit na naaapektuhan ay ang mga pinasukang grupo sapagkat likas nga sa mga ito ang ipaglaban at ipagmalaki ang kakayahan ng bawat isa. Dahil kinakain ng sistemang naipundar ang bawat panig, wala itong magagawa kung hindi gawin ang mga inaasahan — ang paglalaban at pagrnamatigasan. Maliwanag na walang patutunguhan ang sitwasyong nabanggit. Magdudulot lamang ito ng kasiraan sa imahen at pagdududa sa tunay na layunin ng organisasyon.

Darating ang pamimili ayon sa tawag ng sirkumtansya at pagkakataon. Katalinuhan at katwiran ang dapat panaigin upang ang pagsisisi ay maiwasan..®

Tuesday, January 04, 2005

Leaders Among Us

It was November 1996 when my older brother forced me to join this organization… medyo istorbo nga siya sa pag-lalaro ko ng SNES nun… but now he still forced me…hindi para sumali but to stop attending the meetings…sobrang active naman daw kasi ako eh. J

Kidding aside… maybe most of us who really enjoyed their membership here in DeMolay could find difficulty to stop attending the functions and/or any activities we have. Knowing that this profound organization has opened our eyes to a reality that our training here… could really make a difference in the world we are about to encounter at our maturity.

That is what I do believe…hindi lang yung mga natutunan nating mga malalalim na ENGLISH WORDS (which greatly helped me make speeches in school)…or how it encourages us to study more… memorize more and to understand what we have read…. ANG talagang naitulong ng fraternity na ito sa ating lahat….KUNDI the time spent and the effort shared by each and every brother DeMolay‚ AND the timeless Teachings of our Order‚ na talagang umukit sa ating mga puso’t isipan‚ which eventually developed our character for the better.

Brethren‚ that development in our character‚ will enhance our leadership skills‚ that when time passes by‚ hindi natin napapansin na tayo na pala ang namumuno sa Chapter‚ and or ang President ng isang bigating Corporation!

We may not see the big picture… but among us are the future leaders of the society. As long as each and every brod will maintain the great status ng Chapter… continue that legacy set before by our Senior DeMolays… promote the Ethics and Virtues of the Order and strengthen the communication and camaraderie ng isa’t-isa…we will never fail of our purposes as DeMolays.

Probably‚ what I will forever remember‚ is seeing the active brods grow and lead the chapter by their own. Asteeg!


“Let us love what have bound us to be as One.”


Bro. Willardo “Ilad” S. Remo Jr.